Thursday, January 1, 2009

BAYANI FERNANDO EXPOSED: A Bleeding Heart for the Ordinary People Revealed in the APO Concert

I received a text from Mayor Marides Fernando, “Hapi new year see u at concert tonight’. Sa totoo lang, may lakad sana ako pero chance ko na to na mapanood si Chairman Bayani Fernando at ang APO Hiking Society. Kasi nagtataka ako..bakit parang di tumatanda itong APO..high school palang ako sa MSAT, APO na ito..ngayon wala na yung MSAT, sikat pa rin yung APO. Besides, kasama ko sa AIM Alumni Association Board ang utol ni Jim Paredes at baka sakaling makausap ko si Jim. Daming kwento ng utol nya tungkol sa kanya nung mga paslit pa sila eh…

In that concert of the Apo Hiking Society last Sunday at the RiverBank Ampitheater in Marikina, people, (60,000 of them by the estimate of the APO Hiking Society staff) enjoyed the renditions of the trio of their classic songs. Si Congressman Ed Zialcita ng Paranaque, a ranking national officer ng LAKAS – CMD ang nagbigay ng isang pagbati at isang rendition ng paboritong awit ni Ninoy, ang “Impossible Dream”.

But people, including me, are also waiting for the Champion of the Celebrity Duets, MMDA Chairman Bayani Fernando to sing them a song or two. The Chairman is not feeling well…he did not sing. ...he graced the occasion to meet the crowd he is at home with, ..the masses. He avoided going up the stage but when his name was called..he willingly went up and said what to me is a very revealing message of a man whose heart is bleeding from the irony of his circumstances.

He said it is personally painful to him that the Filipino masses know him by the nature of his job and not by the content of his heart. He said that as the MMDA Chairman, when his staff are fixing the sidewalks and he saw some illegal vendors being asked to leave the sidewalk, he can not help but feel their pain, but his staff has to do their job for the greater good of the majority of the masses, the ordinary people and children who are using the sidewalks. He said that it is only thru an occasion like that concert, that he can express his love for the masses. That was the reason why despite that he is not feeling well that evening, he has to show up…to greet the masses he loves so much.

Then, he started cracking jokes by way of announcing his project of cleaning the rivers of Metro Manila. He said his dream is that the masses will have their families do picnics in the riverbanks together. “Sa halagang bente pesos, mararating na ng taga Metro Manila ang ilog ng Marikina. Mag MRT kayo hanggang Santolan, tapos pwede nyo nang lakarin puntang ilog.” He said that by next year, “sana ang mga ilog mula Montalban, San Juan hanggang Pasig papuntang Manila Bay eh pwede ng pag piknikan.” Then, come his authenitc Bayani Fernando Joke that goes this way:
He asked the 60, 000 people around the ampitheater and the riverbanks…”sino sa inyo ang mga taga Quezon City?”, ang daming tumaas ng kamay..Tapos, “sino taga Cainta, taga Antipolo, taga Marikina, taga San Mateo, taga Montalban? Lahat nagsitaasan sa bawat tanong nya. Then ito yung pamatay, sabi nya, “Kayo, kayong, lahat ang nagpaparumi dito sa ilog ng Marikina”..tawanan yung mga tao.
Frankly, pati ako nagulat, dahil tumaas din ako ng kamay eh…pati ako nasisi pa nung lagay na yun… iba talaga ang Bayani Fernando Joke..paradoxical.

At the end of the concert, the APO Hiking Society received an standing ovation and shouts for more..more…more..which they obliged with one last song.

Then APO’sDanny Javier and Marikina Vice Mayor Marion Andres led the “Swearing in’ of the 60, 000 something crowd in the BAYANI nAPO AKO crusade that goes like this:

BAYANI nAPO AKO!

Ginugunita natin ngayon ang araw ng ating Pambansang Bayani na si Gat. JOSE RIZAL sa pagkakataong ito, ipinapahayag ko ang aking sarilingKABAYANIHAN.

“PANUNUMPA NG BAGONG PILIPINO”

Ako ay Filipino, naniniwalang sa akin magsisimula ang pagbabago.

Bayani ako, dahil mahal ko ang aking pamilya at aking bayan.
Bayani ako, dahil hindi ako bumibili sa mga illegal sidewalk vendors.
Bayani ako, dahil may tapang akong sitahin ang nga maling gawain.
Bayani ako, kasi tumatawid ako sa tamang tawiran.
Bayani ako, dahil hindi ako nanunuhol at isinusumbong ko ang humihingi ng suhol.
Bayani ako, dahil hindi ako gumagawa ng nakakainis sa kapitbhay at sa kapwa.
Bayani ako, kasi nagbabayad ako ng tamang buwis sa oras.
Bayani ako, dahil hindi ko pinapaihi at pinapadumi ang aking alagang aso sa tapat ng kapitbahay ko.
Bayani ako, kasi sumusunod ako sa batas at naniniwala na ito ay solusyon.
Bayani ako, kasi hindi ako bumibili ng sasakyan kapag walang garahe.
Bayani ako, dahil may tapang akong isumbong ang mga durugista sa aming lugar.
Bayani ako, dahil kusa akong nagwawalis at naglilinis sa harapan ng aming bahay.
Bayani ako, kasi sinesegregate ko palagi ang basurang nabubulok sa di nabubulok.
Bayani ako, dahil hindi ako nagtatapon ng kalat sa kalye.
Bayani ako, kasi hindi ako nagkukula at nagsasampay sa bangketa at harap ng bahay ko.
Bayani ako, dahil ako ay katulong ng pamahalaan sa kaayusan.

Natapos ang concert sa isang magarbong fireworks.Kumamay ako kay Mayor Marides Fernando nung simula ng concert. Nung patapos na, lumapit naman ako kay Chairman Bayani Fernando upang bumati ng Happy New Year. Dahil ako ay sumakay lang sa bangka mula bahay namin sa kabilang ibayo sa may Shoe Museum patungong ampitheater ay di ako nakapagdala ng kotse..kaya nung pauwi na, napilitan akong maglakad din kasabay ng ganun karaming masang minamahal ni Chairman, ang mga Bagong Filipino

Naaala ko tuloy yung EDSA Revolution sa dami ng tao…young professional pa ko nun, may grupo ako nun na sumosuporta kay Ramos..yung ang tawag namin ay “Kramer Junta”…binata pa ako nun..nag e MBA pa ako sa La Salle ... ngayon, yung panganay ko, magtatapos na ng kolehiyo sa UST..pero, salamat chairman at napadama mo sa aking muli yung feeling ng EDSA Revolution habang binabaybay naming yung kahabaan ng tabing ilog pauwi…kahit papano…

Sasamahan ka namin Chairman..kaming mga masa..wag kang mag alala.